Friday, February 27, 2009

Impluwensya ng Kultura ng Homosekswal sa Lipunan

I. Big Panimula

a.Hypothesis
Ang pananamit at pagsasalita ng mga homosekswal ay nagbibigay ng malikhaing kontribusyon sa ating lipunan.

b.Paglalahad ng Suliranin

Ang mga homosekswal ay grupo ng mga taong nakadarama ng atraksyon sa kaparehong kasarian at madalas ay napapakita nila ito sa kanilang sariling malikhaing paraan. Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa kontribusyon ng mga homosekswal sa ating lipunan. Tatalakayin sa pananaliksik na ito ang kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang sarili at kung paano sila nakakapag-kontribyut ng malaki sa ating lipunan lalong lalo na sa panahon ngayon.
Ang mga mananaliksik ay nais malaman kung anu-ano at kung gaano kalaki ang mga impluwensya ng kulturang homosekswal sa kasalukuyang lipunan, nais rin nilang malaman kung paano nagiging normal ang pagiging homosekswual sa kasalukuyang panahon lalo na sa isang katolikong bansa tulad ng Pilipinas, at kung paano nakakatulong ang mga homosekswal sa fashion o ang usong pananamit dito sa Pilipinas.
Ang nagudyok sa mga manananaliksik na piliin ang paksa na ito ay ang kanilang kuriosidad. Dahil napapansin ng mga mananaliksik na malaki ang impluwensiya ng kulturang homosekswual tulad ng pananamit at pagsasalita sa kasalukuyang panahon.

c.Rebyu/Pagaaral

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagkakaroon ng isang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik sa mga homosekswal. Ngunit mayroong mga sumubok na gumawa ng isang pag - aaral ngunit ito ay sa pamamagitan ng kung ano lamang ang nakikita ng mga mata. Ang mga mananaliksik ay magsasaad ng isang pag – aaral hindi sa siyentipikong pamamaraan kundi ay sa paraang praktikal. Kung ano man ang kanilang nakikita sa paligid ay ganun din kung papaano nila bibigyan ng isang akademikong pagpapatunay sa kanilang paksa na pagbibigay kontribusyon ng mga homosekswual sa ating kapaligiran.


d.Layunin
Ang mga mananaliksik ay ninais magsaliksik sa paksa na ito dahil sa mga sumusunod na dahilan:

d.1. Pangkalahatan:
1. Upang makatulong sa mas maluwag na pagtanggap ng ating lipunan sa mga homosekswal.
2. Upang makahanap pa ng ibang basic na datos para sa bagong paksa.
3. Upang mabura ang ignoransya ng karamihan tungkol sa mga homosekswual.
4. Upang mapaunti ang negatibong tingin ng ibang tao sa mga homosekswal.
d.2. Tiyak:
1. Upang mapatunayan na ang ibang homosekswual ay totoong malikhain at fashionista.
2. Upang mapatunayan na ang ibang aspeto ng uso ay mga homosekswual ang nagkontribute.


e.Halaga

Sa kasalukuyang panahon, karamihan sa atin ay hindi natatanggap ang mga homosekswal dahil sa napakaraming rason tulad ng pagiging Katolikong Bansa ng Pilipinas at marami pa. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, sana ay magkaroon ng kaunting pagbabago sa pagtanggap ng mga tao sa mga homosekswual. Nais din ng mga mananaliksik na patunayan na ang mga homosekswal ay may positibong naitutulong din sa ating lipunan, upang hindi puro kasamaan lamang ang makita sa kanila. Itong pananaliksik ay gustong tulungan ang mga homosekswal upang mapakaunti ang diskriminasyon na kanilang nananarasan.

f. Konseptual na Balangkas



Ang mga homosekswual ay grupo ng mga tao na naiiba sa kanilang kilos, pananalita at galaw. Sa kanilang pagiging “iba” ay napapahayag nila ang kanilang sarili sa iba’t-ibang malikhaing pamamaraan na ngayon ay tinuturing na nating “uso” at patuloy na sinusubaybayan ng lipunan sa pamamagitan ng pagkalat ng impormasyon lalong lalo na sa tulong ng media.


g. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay hindi lamang umaasa sa kung ano ang kanilang naiisip upang maipahayag ang kanilang saloobin sa nasabing paksa. Upang mapagtibay ang pananaliksik, ang mga mananaliksik ay magsasaad ng interbyu sa pamamagitan ng mga kasamahan ng mga bading para malaman ang kanilang subconcious na isip. At direktang intebyu ay interbyu na ang homosekswal mismo ang tatanungin, ito ay para malaman ang conscious na isip ng homosekswal. Ang mga mananaliksik ang mag oobserba din sa mga palagid na mayroon o walang homosekswal at Ikukumpara ang dalawang bagay.

h. Saklaw/Delimitation

Ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay dahil sa kaligtasan ng mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay halos tumatalakay lamang sa mga homosekswal na 16 hanggang 35 anyos lamang at halos kabuuan ng ito ay gaganapin sa mga pagupitan, eskwelahan at sa mga iba pang ligtas at malapit na pook. Iniiwasan din ng mga mananaliksik ang pag-iinterbyu sa mga homosekswal na nasa iskwater, pati narin ang mga homosekswal na hindi edukado. Gayunpaman, mas binibigyang pansin nito ang positibong naitutulong nila sa lipunan natin tulad na lamang ng kanilang pagiging malikhain at fashionista . Datapwa’t, ay binibigyang atensyon din ng mga mananaliksik ang kultura ng mga homosekswal at ang kanilang epekto sa lipunan natin at hindi ang diskriminasyong inuugnay sa kanila bilang mga homosekswal.

i.Daloy ng Pag-aaral

Ang pagsasaliksik ay nagsimula sa pagoobserba ng paligid lalo na kung saan may mga homosekswal. Ikalawa ay ang pagtatanong sa mga dahilan kung bakit ang isang tao ay nagiging homosekswal at ang ikahuli ay epekto nila sa ating lipunan.



II.Big Katawan

a.Small Panimula

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga homosekswal at ang kanilang naidudulot sa ating lipunan. Tatalakayin din dito ang mga saloobin nila ukol sa mga diskriminasiyon na ibinabato sa kanila. Ang pananaliksik na ito ay tatalakay sa mga sterio-tipikal na kasabihan na “ang mga homosekswal ay nakakakontribute ng malaki sa pagiging malikhain at fashionista”.

b.Small Katawan


Ang mga mananaliksik ay nag serbey sa pitong indibidual na homosekswal at sa labing -anim na tuwid ang kasarian.


Resulta ng Serbey sa labing-anim na tuwid ang kasarian





Resulta ng serbey sa pitong indibidual na Homosekwal









II.Big Pangwakas


a. Small Pangwakas

Ang mga nakalap na datos mula sa mga “tuwid” ay ang mga sumusunod: 15/16 ang may kaibigang homosekwal. 15 sa kanila ay masaya dahil may kaibigang homosekswal, mas marami ang lengguaheng pagiimluwensiya ng mga homosekswal kesa sa implwensya sa pagbabago ng kanilang pananaw sa buhay, kilos at sa galaw. Sa lahat ng natanungan ng mananaliksik, marami sa kanila ay sumasangayon na ang mga homosekwal ay masaya kasama. 13/16 ay sumasangayon na may positibong impact ang mga homosekswal sa ating komunidad, kaparehas nito ang mga taong sumasangayon na ang mga homosekswal ay fashionista at malikhain.
Pinanapatunayan ng serbey tungkol sa mga homosekswal ay mas kalat ang mga bakla kesa sa mga tomboy, sa pitong taong pinagserbeyan 3 ang toboy at 4 ang bakla, marami ay natural na homosekswal simula pa ng pagkabata kumpara sa mga naimpluwensyahan lamang lalo ng nang kanilang mga kaibigan, lahat sa kanila ay nagsasabi na wala silang ayaw sa kanilang tunay na kasarian na nagging dahilan ng kanilang pagiging homosekswal, 6/7 ang naniniwalang may matutulong sila sa lipunan. Pinapatunayan din ng serbey na ang mga Pilipino ay natural na mapanuri dahil 6/7 ay nakaranas na ng diskriminasyon. Ang mga nagging reaksyon ng mga magulang nung nalaman na sila ay homosekswal ay 4 ay nagulat, 3 ay nagalit, 0 ang walang pakialam at sinuportahan. Sila ay tunay na sumasangayon na ang mga tulad nila ay malikhain at fashionable.

b. Kongklusyon


Ang mga homosekswal sa kasalukuyan ay tulad din ng mga normal na tao na nagtatrabaho ng marangal para may makain sa araw-araw. Ngunit hindi talaga maiiwasang may mga taong manlalait at magbabato ng mga kritisimo sa mga homosekwal lalo na sa mga tradisyonalista at ang mga konserbatibo, dagdag pa dito, ang Pilipinas ay isang Katolikong bansa at tiyak na maraming hindi tumatanggap ng homosekswalidad. Pero kung titingnan ng mga tao ito sa ibang pananaw, nagpapakita sila ng pagiging matatag sa harap ng madaming paglait sa kanilang kasarian, at nagpapakita sila ng fleksibilidad sa pagtatanggap ng mga kritisismo na nagawa parin nilang hindi ikahiya ang kanilang kasarian at kahit na madaming mabibigat na problema, para sa kanila patuloy parin ang buhay at dapat palaging maging masaya. Hindi rin maitatanggi na iba magmahal ang mga homosekswal, dahil pag sila'y nagmahal binibigay nila ang lahat, inuuna nila ang iba bago ang kanilang mga sarili. Hindi ba’t napakarami nilang mga mabubuting katangian? Kung tutularan lang ng mga tao ang kanilang mga mabubuting katangian ay baka gagaan ang buhay ng bawat isa.

Maraming mga kontribusyong ang mga homosekswal tulad na lang ng mga pang araw-araw nating bokabularyo, na hindi na natin namamalayan na nagagamit na din natin, tinatawad ito ng marami ng “Gay Linggo” o lengguahe ng mga homosekswal. Ang “Gay Linggo” ay nagpapayaman sa ating wika sa pamamagitan ng paghitam at pagiimbento ng mga malikhaing salita na yunik. Malaki din ang kanilang natutulong sa ating lipunan, nagbibigay sila ng kasiyahan sa atin tuwing tayo ay nalulungkot dahil sa galling nilang magpatawa. Marami ng mga homosekswal ngayon ay kilala sa takilya dahil sa sariling pagsusumisikap, Gaya na lamang nila Allan K, Ricky Reyes at Joel Lamangan. Naging sikat sila dahil sa kanilang sipag, tiyaga at malikhaing galing. Nakapagpatayo na sila ng kanilang- kanilang negosyo na nakakaimpluwensya sa pagiisip ng mga tao sa ating lipunan tulad na lamang ng sariling comedy bar ni Allan K na ngayon ay tumatayong sunod sa uso at nagbibigay kasiyahan. Kilala ang mga homosekswal sa galling nitong tumaligsa sa mga bagay sa paligid nito kaya naman kadalasan ay sila ang kinukuhang mga hurado tuwing may nagaganap na fashion show o mga contest. Meron na ding homosekswal na sumikat dahil sa magaling siyang kritiko, gaya ni Boy Abunda. Maaari silang maging modelo sa ibang tao dahil kung kaya nilang gawin ang mga ito, bakit hindi gawin ng mga karaniwang tao. Kaya hindi natin pwedeng sabihin na sila ay pabigat lamang sa ating lipunan dahil sa totoo ay marami din silang nagagawang mabutin na nakakatulong ng malaki.


c.Rekomendasyon

Sa kasulukuyang panahon, ang pagiging bukas ang isip ay laganap kahit saan, ngunit may ibang indibidual na nagsisikap parin na matanggap ng karamihan at maging tulad ng lahat. Itong pananaliksik na ito ay nagpapalaganap ng indibidualismo ng homosekswal at ang kanilang orihinal na paraan na tumutulong sa lipunan. Itong pananaliksik na ito ay nirerekomenda sa mga traditionalista at konserbatibo, pinapalaganap ang pagiging bukas ang isip sa pagtanggap sa pagiging orihinal ng mga homosekswal. Nais ng mga mananaliksik na bigyang pansin ng ibang tao ang kulturang homosekswal at malinawan sila na ang progreso ng kulturang homosekswal ay nakakatulong sa lipunan. Iminumungkahi ng mga mananalisikik sa mga kapwa mananaliksik na nagnanais saliksikin ang paksang ito na mas palawakin pa ang kanilang pag sasaliksik upang matulungan ang ating lipunan na tuluyan ng tanggapin ang kultura at komunidad na kinabibilangan ng Homosekwal. Ninirekomenda rin ng mga mananaliksik sa mga kapwa mananaliksik ng paksang ito na ipakita at ipaalam sa mga tao na madami pang pwedeng iambag ang mga Homosekswal sa ating lipunan at saliksikin ang mga iba pang impluwensiya ng mga homosekwal sa mga sususnod pang panahon.

Kung tutularan lang ng mga tao ang kanilang ang mabubuting katangian ay gagaan ang buhay ng bawat isa.